Image Hosted by ImageShack.us

March 23, 2008

TAGUMPAY NG SAN PABLO SA ANILAG 2008

SAN PABLO CITY - Masayang iniulat ni Gng. Nercy Sahagun Amante, Unang Ginang ng Lunsod, at Chairperson ng Executive Committee sa paglahok ng lunsod sa pagdiriwang, na muling umani ng tagumpay ang Lunsod ng San Pablo sa katatapos na ANILAG Festival 2008 na itinaguyod ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna.
Ayon sa Unang Ginang, tinanghal na Binibining Laguna 2008 si Bb. Rodhalyn Pessina ng Barangay Sto. NiƱo, samantalang 2nd Runner-up si Bb. Francheska Mica Villapando ng Barangay San Vicente.
Nakuha ni Bb. Lea Maria Hernandez ang unang karangalan sa Amateur Singing Contest (Open Division). Natamo rin ng mga kinatawan ng lunsod ang ikalawa at ikatlong karangalan sa Dance Showdown Competition. Ang nagwagi ay ang Exclusive Terrorranger at ang Philippine Pirates Dance Groups, gaya ng pagkakasunod.
Sa Booth and Star Quest Competitions ay parehong nakamit ng San Pablo City ang ikatlong pwesto o ang pagiging second runner-up.
Sa Best Tourism Establishments Category, ay natamo ang mga sumusunod: Total Gas Service Station sa Barangay San Rafael , Best Gas Service Station; Maria Paz Resort sa Barangay Sta. Filomena, Best Resort; at Coco Palace Hotel sa Barangay San Francisco, Special Recognition.
Kinilala rin si G. Blairwin Ortega bilang Outstanding Youth of Laguna at si G. Alex Cortez bilang Outstanding Artist ng Laguna.
Lubos ang naging kasiyahan nina Mayor Vicente B. Amante at Unang Ginang Nercy Sahagun Amante, dahil sa muling napatunayan na ang Lunsod ng San Pablo ay hindi pahuhuli sa anumang larangan ng paligsahan na umaalinsunod sa itinatagubilin ng batas na nagsusulong ng pagpapaunlad sa larangan ng sining at kultura na iniaatas ng Batas Republika Bilang 7356. Gaya ng laging namumutawi sa mga labi ni Mayor Vicente B. Amante "San Pablo City Laging Umaa-bante!" (San Pablo CIO-Jonathan S. Aningalan)

No comments: