CALAMBA CITY - Ikinagalak ng maraming mga taga-subaybay at tumatangkilik sa pahayagang SULONG ng ihayag ng pamunuan nito ang pagbubukas ng kanilang Web Site sa Internet, ang SULONG News Online kung saan mababasa na ang mga pinakahuling kaganapan sa Laguna.
Sa ngayon, araw-araw ay updated ang mga balita lalo na sa balitang pulis na kung saan ang PNP PRO-4A PIO ay halos araw-araw nagpapadala ng mga balita mula sa kanilang tanggapan. Umaasa naman ang pamunuan ng SULONG na maging aktibo din ang ilang mga munisipalidad at siyudad na magpadala ng kanilang mga nais iulat sa mga taga-Laguna.
Ang SULONG Online ay pinalolooban ng mga sariwang balita na masugid na kinakalap ng News Team nito, habang nakalathala din ang mga inaabangang mga artikulo mula sa mga kolumnista. Mas lalong ginawang interactive ang pahayagang SULONG dahil may Online na Suggestion Box dito kung saan puwedeng magbigay ang isang mambabasa ng kanyang suhestiyon, opinyon, puna, o di kaya’y pagbati sa pamamagitan ng Email o direkta mula sa SULONG Online.
Sinamahan pa ng Chat Box kung saan, online at realtime puwedeng makipag-palitan ng kuro-kuro ang mga mambabasa. Meron din mapagkakalibangan na mga video clip mula sa YouTube, at inuumpisahan na din ang paglalagay ng Online Music/MP3 Player upang mas makapaghatid kasiyahan sa lahat ng mga bibisita at tumatangkilik sa pahayagang SULONG.
Ito na marahil ang isa sa mga pinaka-ambisyosong balak ng SULONG News Team. Ang makapagawa ng isang Medium na kung saan magiging accessible hindi lang sa mga taga-Laguna, pati na rin sa buong Pilipinas at kasama na din ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa kasalukuyan ay nasa development stage pa ang nasabing Web Site ng SULONG sa pamamagitan ni Arjay Salgado, na siyang nagkunsepto at nagbuo ng nasabing proyekto. "We are trying to set a benchmark in local media," ani ni Salgado, "especially sa print, kung saan mas maraming medium na ganito ang nandito sa Laguna." Buong pagmamalaki niyang sinabi na tanging ang SULONG sa ngayon ang may ganitong uri ng pamamahayag. "it’s not just letting the readers read the news, nais namin silang ma-entertain at the same time maging interactive ang aming pahayagan." dagdag nito.
Inaashan naman na matatapos ang kabuuan nito ngayong buwan ng Abril. Samantalang umani na ng paunang paghanga sa nasabing pahayag sa internet ang ilan sa mga matataas na opisyales ng gubyerno, maging sa lokal at sa nasyunal. Pahayag nga ng isang manager ng isang telecommunication company "Your newspaper has gone a long way, it’s looking better. keep it up." Umaasa na din ang pamunuan ng SULONG Newspaper na sa pamamagitan ng Online Version ng kanilang pahayagan ay mas lalong makapaghahatid ng impormasyon sa mas maraming tao at higit sa lahat ay mas makakatulong ng malaki sa mga negosyo sa pamamagitan ng promotions sa mas malawak at makabagong aspeto ng pamamahayag. (SULONG News Team)

No comments:
Post a Comment