Image Hosted by ImageShack.us

March 24, 2008

SEN. GORDON PINALAKAS ANG LOOB NG MGA LAGUNENSE

STA. CRUZ - Sa kabila ng pangyayaring typhoid outbreak sa Calamba City, nagbigay ng isang magandang mensahe para sa mga Lagunense si Senador Richard J. Gordon ng siya ay dumalo sa pagdiriwang ng Anilag Festival na ginanap kamakailan sa Capitol Compound sa bayang ito. "When we had SARS, we visited Baguio together with my wife to prove to the world that our summer capital was SARS free. Since the outbreak of typhoid in Laguna, we have visited it more than once and continue visiting it until we prove that it has overcome a serious threat to it’s tourism industry. We are fully confident that with the Provincial Government’s speedy action, continued vigilance, and effective remedial efforts, Laguna will beat typhoid and reassert itself as the country’s premiere resort and spa capital" wika ni Sen. Gordon ang kanyang mensaheng ito ay nagpalakas ang loob ng mga Lagunense upang mapagtagumpayang harapin ang mga problema at pagsubok na dinanas.
Ang Philippine National Red Cross sa pamumuno ni Gordon ay nagpaabot nag tulong sa mga apektadong barangay katulong ang mga provincial authorities sa pamumuno naman ni Gov. Teresita "Ningning" S. Lazaro. Sa pag-iikot ng senador nakita niya ang hirap na kalagayan ng mga pasyente dahil sa kakulangan ng mapapaglagyan ng mga may karamdaman, agad nitong ipinag-utos ang paglalagay ng 100 bed capacity tent na mula sa Red Cross sa pakikipagtulungan ng mga Army Reserve, the Philippine Air Force and the Philippine National Police. Nakipagtulungan ang mga kawani ng PNRC sa loob ng 24 oras at naglaan din sila ng 20 bag ng dugo sa JP Rizal Hospital. Naglaan din sila ng ambulansya upang magamit para sa pagdadala ng pasyente sa mga hospital. (Iryn Panisan / ROY M. DIMASACA)

No comments: