Los Baños – Idinaos ang kauna-unahang Rescue Training Seminar noong ika-27 ng Marso taong kasalukuyan Brgy. Baybayin, Los Baños Laguna na dunaluhan ng kanilang mga residenteng may pusong matulungin at handang magserbisyo sa kanilang kapwa. Si Ginoong Aristeo Rallos, Municipal Disaster Coordinator at Volunteer nag Philippine National Red Cross Rescue Team ang kanilang naging taga-pagturo. Layunin ng seminar na ito ang pagtuturo ng tamang pagbibigay nag paunang lunas sa mga naging biktima ng anumang uri ng aksidente. Ayon kay G. Rallos ang training seminar na ito ay iikot sa bawat barangay na nasasakupan ng Los Baños bunsod sa kahilingan at kagustuhan ni Hon.Mayor Ceasar Perez. Naisakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ni Kgg. Albert A. Cornejo, Kapitan ng nabanggit na barangay at mga konsehales na sina Kgg. Toalfrael "Kakay" Consulta, Kgg. Josephus U. Baes, Kgg. Joseph Malayabas, Kgg. Angeline Silva, Kgg. Arthur M. Ebron, Kgg. Amelia M. Biscante, Kgg. Eric P. Ebron at SK Chairman Niel P. Soriano. (ROY DIMASACA / LLOYD ANJAIL)
March 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment