STA. CRUZ - Muli na namang naitampok ang lalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gob. Teresita S. Lazaro nang ilunsad nitong Marso 14, 2008 ang Pinaka-malaking Ube Halaya sa Kapitolyong Panlalawigan sa bayang ito, na tinaguriang kabisera ng lalawigan. Ang nabanggit ay isa sa mga highlights ng isang-linggong AniLag Festival na ginanap noong Marso 9 hanggang 16, taong kasalukuyan. Ang AniLag Festival ay nasa ika-apat na taon na nagawaran din ito ng parangal ng Kagawaran ng Turismo bilang Philippines’ Best Tourism Event sa Provincial Category.
Ipinalabas ang nabanggit sa GMA network sa morning program nito na Unang Hirit sa pangunguna ng TV hosts na sina Eagle Riggs at Drew Arellano. Umabot naman sa 1,000 kg ang dessert na ipinakita sa publiko. Ang korteng tilapia na ube na may sukat na 2 hanggang 4 na pulgada na inilagay sa mesa na may sukat na 24 by 16 ft. Ang mga sangkap na ginamit ay ang mga sumu-sunod; 698 kgs ng ube, 358 kgs ng gabi, 26 kgs ng cassava, 719 kgs ng puting asukal, 374 lata ng condensed milk, 174 lata ng evaporated milk, 39 pcs ng butter, at 45 pcs ng dairy cream. Ipinamigay naman at ibinahagi ito sa mga manonood pagkatapos maiprisinta sa publiko.
Kabilang sa mga dessert makers na nagtulong-tulong upang magawa ang malaking delicacy ay ang 4 Angels Special Ube Halaya ng Calamba City; D’Becina Ube Halaya, Tentay and Idang Ube Halaya, at Ro-malyns Special Ube ng San Pablo City; MiƱa Ube Special, Glo-Mars Food Pro-ducts, at Edna’s Special Ube ng Nagcarlan; at Ludy’s Sweet Products ng Siniloan. (LAGUNA PIO)

No comments:
Post a Comment