Image Hosted by ImageShack.us

March 23, 2008

“SEASONED CITIZENS” PASISIGLAHIN

CALAMBA CITY - Nagagalak na ibinahagi ni Josefino B. Melgar Sr., pinuno ng Calamba City Federation of Senior Citizens Association, Inc. (CALCIFESCA) ang mga programa ng nasabing samahan para sa mga "Seasoned Citizens" sa taong ito.
Sinabi ni Melgar na ang mga programang inihanay ng samahan ay naglalayong bigyan pagkakaabalahan ang mga "Seasoned Citizens" sa siyudad na ito.
Ang pagkakaroon at pagtatayo ng kooperatiba "multi-purpose cooperative" ay isa lamang sa mga programang nais pasimulan sa taong ito."
Sa pamamagitan ng kooperatiba ay may matatakbuhan ang mga "Seasoned Citizens" o "Senior Citizens" sa kanilang pangangailangan sa murang halaga. Isa din sa pakinabang na maidudulot ng nasabing proyekto ay ang makukuhang kita ng bawat miyembro mula sa interes sa tinubo ng mga pinagbentahan.
Isa pa sa mga programa ng samahan ay maglalayong pasiglahin ang panglipunang aspeto o "social life" ng mga "Seasoned Citizens" ay sa pamamagitan naman ng pagkakaroon ng "leisure, at entertainment activities" tulad ng billard at bowling tournaments. Gayon din ang mga gawaing kultural at medical and dental missions.
Tunay nga ang mga nabatid na mga programa ay makatutulong ng malaki sa ating "Seasoned Citizens" upang patuloy pa nilang mapaunlad ang kanilang mga sarili sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.
Ang lalo niyang binigyan diin ay ang pagpapatibay sa buklod ng samahan na inaasahan na makapagdu-dulot ng lalong biyaya na buhat sa iba’t ibang sector ng lipunan at gayon din ng mapagkalingang pamahalaan ng Lungsod ng Calamba.
Ang mga proyektong may kaugnayan sa paligsahan ay pasisimulan sa madaling panahon kung kaya’t bini-linan ang lahat ng mga pangulo ng mga Chapter sa Lungsod na magsipaghanda para sa mga nasabing programa. (ED SACOPLA)

No comments: