Image Hosted by ImageShack.us

March 25, 2008

HALAL NA BARANGAY OPISYAL, NAG-SEMINAR

CALAMBA CITY - Nagsagawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Office ng isang pagsasanay na pinamagatang " Enhancing the Proficiency of Barangay Newly Elected Officials (NEO) in Barangay Governance ." para sa mga Barangay ng Calamba noong Marso 11-12,13-14 at 25-26, taong kasalukuyan sa Montevista Resort , Pansol, dito sa naturang lunsod.Pinangunahan ito nina Kgg.Turrne Lajara, Liga ng mga Barangay President; Melody M. Barairo, DILG Cabuyao; Myra Carmina Q. Arcelo, Team Approach on Coordinated Task (TACT) 2 Operation Center Officer II; Teodorica G. Viscara, DILG Provincial Director; Loida V. Vista, Officer II ng DILG Provincial Office Officer II; Raysen Banasihan Estabillo, DILG TACT Laguna Operation Center Officer II; Tirso LaviƱa, DILG-Calamba; Lorilyn V. Marique DILG- Bay ang pagtalakay sa mga pangunahing isyu ng Pamahalaang Pambarangay. Kasama na dito ang Barangay under Local Government Code of 1991, Development Planning, Basic of Barangay Legislation at Barangay Finance. Dinaluhan ito ng mga Barangay sa cluster 1 tulad ng Banlic, Barandal, Batino, Canlubang, Halang, Lingga, Looc, Makiling, Mapagong, Masili, Mayapa, Pansol, Tulo, Barangay 1, San Cristobal at Paciano Rizal. Cluster 2 ay mga Barangay ng Bagong Kalsada, Bucal, Bunggo, Camaligan, Hornalan, La Mesa, Mabato, Majada Labas, Palo Alto, Prinza, Punta , Sirang Lupa at Brgy. IV. Sa cluster 3 ay mga Barangay ng Banadero, Bubuyan, Burol, Kay-Anlog, Laguera, Lawa, Lecheria, Maunong, Palingon, Parian, Puting Lupa, Real, Saimsim, Sampiruhan, San Jose, San Juan, Sucol, Turbina, Ulango, Uwisan, Brgy. II, III, V, VI, at VII. Ayon kay Kagawad Hermognes B. Molinyawe ng Brgy.V "Maganda ang pamaraan, yun talaga ang dapat gawin pero dapat i-shoulder ng city government ang gastos, kailan lalabas ang budget kapag ba panahon lang ng election?"
"Ayos naman at patuloy na lumalaganap ang aming kaalaman" ayon naman kay Kagawad Jaime Justo ng BRGY. VII. Si Molenyawe na Committee Chairman ng Peace and Order sa kanilang barangay ay isinusulong ang katahimikan sa pamamagitan ng pag-iilaw sa mga poste, paghiling sa Police visibility at koordinasyon sa ilang mga Barangay para masawata ang kanilang problema sa snatching incidents. Ang seminar ng cluster 3 ay dinaluhan ng mahigit 200 na mga halal at appointed na opisyales ng barangay. (JO BUSAYONG)

No comments: