CALAMBA CITY - Iniulat kamakailan ng Department of Trade and Industry (DTI)sa Calabarzon na ang mga small, at medium enterprises (MSME) sa nasabing rehiyon ay nakapagtala ng Php 14.896 billion sa domestic investments, Php 70.715 million sa domestic sales, $2.369 million sa exports, at nakapagbigay sa 121,409 katao ng hanap-buhay noong taong 2007.
Ang DTI ang nakatulong ng Php 50.478 million MSME na puhunan sa pamamagitan ng business matching, loan facilitation at financing forums. Karagdagan dito, Php 14.845 billion na puhunan ay naitala sa business registration records, na sa ngayo’y umaabot na sa Php 14.896 billion ang domestic investments sa rehiyon noong 2007.
Sa pagkakaroon ng pinahusay na mga produkto kasama na ang pinagan-dang packaging, ang DTI ay nagsaayos ng product, packaging and labeling design at development clinics, at ang pinaka-mahalaga ay ang pagbubuo at pagsasa-ayos ng mga trade fairs, selling missions, market & business matching activities na siyang lalong nagpakilala sa mga entreprenyur na maging exposed sa mas malawak na merkado, na nagresulta ng Php 70.715 million sa domestic sales. Ang pinaka-mabenta sa mga isinagawang trade fairs ay ang mga processed foods, furniture, mga pang-regalo, housewares at holiday decors. Gifts, housewares and holiday decors (GHHD), handmade paper, lambanog, at mga productong mula sa niyog (virgin coconut oil, coco jam) na nakapag-bigay sa Calabarzon ng kita sa export sales na $2.369 million, kung saan ang USA at Japan ang naging pangu-nahing merkado.
Samantalang, iniulat din ng DTI na 4,545 na bagong trabaho ang nabuo sa ilalim ng SME Development Program habang ang mga business name registration records ay nagtala ng 116,864 trabaho an umabot sa kabuuang bilang na 121,409. Ani Marilou Quinco-Toledo, Regional Director ng DTI sa CALABARZON na ang iba’t-bang mga programa, proyekto, at gawain ng Provincial at Regional Offices ay nakatuon sa pagsusulong at pag-papalawig sa sektor ng Micro, Small at Medium Enterprise (MSME).
Batay sa 1999 National Statistics Office (NSO) data, ang sektor ng MSME ay bumubuo sa 99% ng pangkalahatang bilang ng mga ne-gosyong nagi-empleyo ng 70% mga manggagawa sa buong bansa at kabilang sa 60% ng exporter sector, kung kaya tinitingnan ito bilang mahalagang contributor ng economic development ng bansa.
"Ang One Town, One Product (OTOP) Program sa pakikiisa sa ahensiya ng gubyerno, LGU at ng business community ay ang pangunahing programa ng DTI upang paunlarin at palakasin ang sektor ng MSME partikular na sa community-based enterprises na nakakapag-sulong ng economic activities sa mga probinsya" ani Toledo.
Idinagdag pa ni Toledo na ang OTOP ay pangunahing programa ni H.E. Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-bunga ng karagdagang hanap-buhay at maiahon ang bawat Pilipino sa kahirapan. Ang OTOP ay itinulad ng Pilipinas sa One Village, One Product Movement ng bansang Hapon na siyang nagpasigla sa ekonomiya ng mga rehiyon ng Oita Prefecture at ng Kyushu. (Charlie S. Dajao/Information Officer DTI RIV-A/ARJAY SALGADO)

No comments:
Post a Comment