Pinanganak noong Hunyo 15, 1927, at binuhay ang mga anak kaagapay ang kanyang asawang si Ernesto Salgado sa pamamagitan ng magaling na pagninigosyo. Mas nakilala siya dahil sa panindang isda na nakapuwesto noon sa nasunog na dating palengke ng Calamba. Laking Calamba, at ang mga kaanak ay matatagpuan sa mga Barangay ng Lingga, Palingon sa may Aplaya.
Noong panahon ng kalakasan ng kalakal sa pagbebenta ng isda, kung saan ilan sa mga ngayo’y kilala’t malalaking resetaurants sa siyudad na ito ay minsan din naging mga suki at kalimitang binibili sa kanya ay lapu-lapu at, sugpo, at mga naglalakihang alimango at alimasag.
Isang malaking kawalan si Aling Ceria lalo na sa mga kamag-anak nito sa partido ng mga Mujer. Tiningan siya bilang isang mabuting kapatid, tiyahin, lola, at kaibigan. Ani ng isang lalakeng nagpakilalang pamangkin siya ng yumao, "Sampu kaming magkakapatid," habang nasa harap ng mga dumalo sa huling araw ng burol, "at nang magkadiperensiya ang tatay ko siya (Aling Ceria) ang tumulong sa amin."
Naging isang modelong ina sa karamihan at sa kanyang pagpanaw ay marami ang mangungulila sa kanyang kabutihan at kababawan ng kalooban.
Ipinakita niyang hindi sagabal ang kahirapan basta’t nagkakaisa at nagdadamayan ang buong pamilya. Ani nga ng paring nagbigay ng huling basbas kay Aling Ceria, "Dalawang bagay ang iniwan sa atin ng ating kapatid na si Gleceria. Una ay alaala at ang pangalawa ay paalala." Ipinaliwanag ng pari na ang mga kabutihan at kagandahang asal na ipinakita at ipinadama ni Aling Ceria sa mga taong naging bahagi ng buhay niya ay siyang magsisilbing alaala sa mga naiwan. Habang ang paalala ng kanyang pagpanaw ay isang palaala "tayong lahat ay doon din ang patutunguhan, sa kaharian ng Diyos. Kung kaya ang paalala sa bawat isa sa atin na nandito ay kung anumang kabutihan at tulong na maibibigay natin para sa ikabubuti ng ating kapwa ay gawin na natin ngayon pa lang."
Habang inilalakad si Aling Ceria patungong simenteryo, maraming sa mga nakamasid ay nagulat nang makita nilang si Aling Cercia ang inihahatid sa huling hantungan. Sa dalawang naulila ni Aling Ceria na anak na babae, tanging nais nila’y manatiling buhay sa puso at isipan ng bawat taong naging bahagi ng buhay ng kanilang ina at ipamalas sa iba ang mga katangiang ipinakita at ipinaramdam ni Aling Ceria sa kanila. (ARJAY SALGADO).