Image Hosted by ImageShack.us

May 8, 2008

DTS AT BRGY. PACIANO NAGPULONG

CALAMBA CITY - Nagpu-long kamakailan ang Dimple Towing Services (DTS) sa pagmamay-ari ni Alfredo Pujeda at ang Brgy. Paciano Rizal sa lungsod sa pamumuno ni Kgg. Angie Atienza hinggil sa legalidad ng operasyon ng nasabing towing service. Tumayo bilang taga-pamagitan sa nasabing usapin ang Editor-In-Chief ng SULONG Newspaper na si Arthur Landicho upang mabigyan ng linaw ang mga lumabas na isyu na diumano’y paghingi ng barangay sa DTS ng Sampung Libong Piso (Php 10,000.oo) kada linggo sa DTS at ilang mga bagay tungkol sa nasabing operasyon ng towing service pati ang pagpapatigil ng Permits & License Office ng City Hall sa DTS.
Lumabas sa isinagawang panayam ng SULONG na may natatanggap na mga balita si Atienza na diumano’y nanghihingi ang kanilang barangay sa DTS ng Sampung Libong Piso (Php 10,000.oo) linggo-linggo. "Wala akong alam diyan" ani Atienza, "kaya nga galit na galit ako dun sa taong nagsabi noon. Wala akong hinihinging pabor sa DTS." Sa pag-iimbistiga ng SULONG News Team at ni Atienza, lumabas na ang may-ari ng lupang kinalalagyan ng DTS na si Arthur Suero ang si-yang humihingi sa DTS ng pabor, kung kaya pinaimbitahan si Suero sa barangay upang magbigay ng linaw at paliwanag. "To be very very accurate," ani Suero, "walang kinalaman ang opisina ng barangay, at kahit si Kapitana, hindi alam na ako’y humingi ng tulong para man lang sa pang-kape at biscuit ng mga tanod." idinagdag pa niya na hindi sampung libong piso kada linggo ang kanyang inihinging tulong sa DTS kundi Php 5,000.oo kada buwan lamang. Dinagdaag pa ni Suero na Iminungkahi niya noon sa Operations Manager ng DTS na puwede namang hindi cash kundi Asukal, Kape, at Biscuit na lang ang ibigay sa mga Tanod. Aniya, ang kanyang ginawang tulong na lingid sa kaalaman ni Atienza ay para sa ikatatahimik ng kanilang lugar at bilang pakonsuwelo sa mga Tanod na gabi-gabing nagbabantay sa nasabing lugar.
Nauna dito, nagpahatid ang Permits and License Office ng City Hall sa pamumuno ni Bars Encarnacion ng Cease and Desist Order sa pamunuan ng DTS upang ipatigil ang operasyon ng nasabing towing service sa kahilingan na din ni Atienza. "Wala silang maipakitang papeles sa akin tulad ng Contract of Lease at ng Mayor’s Business Permit, kaya ko kinausap si Bars," ani Atienza, "ang akin lamang ay ipinatutupad ko ang batas."
Napag-alaman din ng SULONG na isa sa mga da-hilan kung bakit hindi mabigyan agad ng Brgy. Permit ang DTS ay dahil sa isang katerbang mga reklamo laban sa nasabing towing service ang natatanggap ng nasabing barangay. "Ginawa ko noon," paliwanag ni Atienza, "sumulat ako kay Engineer Uri, kay Dennis Lazaro, at kay Bokal Nocon." sinabi ni Atienza na binanggit niya sa liham ang ilang mga problemang nakararating sa kanilang tanggapan hinggil sa operasyon ng DTS, dahil nagtataka siya kung bakit madami ang nagrereklamong mga drivers at isinasang-kalan malimit ang ilang mga matataas na opisyal ng gub-yerno. "Pati tuloy pangalan ko, nakakaladkad." himutok ni Atienza.
Samantalng, hinggil sa mga permits ng DTS, ayon sa pamunuan ng nasabing towing service, meron silang existing na bagong MOA mula sa Kapitolyo ng Laguna dahil anila’y sila ang nanalo sa bidding na isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) at in-process naman ang City Licenses at iba pang kaukulang dokumentong hinihingi ng barangay. Isa sa mga dokumentong hinihingi ni Atienza ay ang Contract of Lease ng DTS sa may-ari ng lupang kinalalagyan ng kanilang mga sasakyan at opisina. Binigyan din ito ng linaw ni Suero na kung saan
ipinaliwanag nito na ang pag-papagamit niya ng walang bayad sa kanyang bakanteng lote para sa operasyon ng towing service. Ang kanilang kasunduan ng pamunuan ng DTS ay kung sakaling kailanganin na niya ang lupa ay walang pasubaling lilisanin ng nasabing towing service ang lugar. Kung kaya walang maipakitang Contract of Lease ang DTS.
Sa pamamagitan naman ng pag-mediate ni Landicho ng SULONG, nagkasundo si Atienza at Pujeda na aayusin ng DTS ang lahat ng kaukulang dokumento para mabigyan na ng Brgy. Permit at sisikapin ng pamunuan ng nasabing towing service na makatulong sa Brgy. Paciano Rizal sa anumang bagay tulad pagbibigay ng discount sa mga residente ng nasabing barangay kung sakaling magkakaroon ng problema kailanganin ang serbisyo ng DTS. (ARJAY SALGADO/ JO BUSAYONG)

1 comment:

Anonymous said...

Eto bang PTS towing services e same as DTS? Nkalagay na prop sa resibo ALfredo J. Pujeda. Nka indicate sa TIN nila na 172526355000 na Non VAt pero ang siningil nila samin e P2,440.00 lipa to lipa exit. mataas daw kase gwa ng 12% VAt. bakit ganun?nasiraan kami lagpas malvar exit going to tambo.pinilit nilang itow kagad. cla lang daw pwede, di daw pwede iba kahit taga lipa din lang kami. cla daw ang accredited ng star toll. sinabi namin na kulang pambayd namin. sinabihan pa kami na papautangin daw kami ng talyer na pagdadalhan nila.grabe cla nanghaharas pa na iimpound na kapag di kagad nabayaran.