CALAMBA CITY - "Sapat ang supply ng bigas ng siyudad." Ito ang sinabi ni Aurea Alcasabas, Officer–in-Charge ng City Agriculture Department. Sa panayam ng isinagawa ng SULONG, nabanggit ni Alcasabas na sinabihan niya si Mayor Joaquin Chipeco Jr. na "Di ako nangangamba na magugutom tayo dahil sapat ang ating suplay ng pagkain." ani Alcabasa.
Ipinahayag pa ni Alcasabas ang kanyang pananalig sa Maylikha nang banggitin niya ng isang talata sa bibliya na mababasa sa Joel 2:26 "You will have plenty to eat , until you are full, and you will praise the name of the Lord your God who works wonders for you…" Ito ang pinaniniwalaan ni Alcasabas na mangyayari sa mga CalambeƱo na nananalig sa Diyos. Napag-alaman pa ng SULONG na ang Calamba ay may stock ng bigas na umaabot sa 9,178 metric tons o 183,000 cavans, sapat sa dalawang buwang konsumo ng 409,248 populasyon nito. Lumalabas na may .3 kilong konsumo ng bigas ang isang tao bawat araw.
Sa ngayon ay nanatili sa Php 18.25 ang presyo ng NFA rice mababa di hamak sa commercial rice na umaabot sa 30 hanggang 40 pesos bawat kilo. May labing-limang (15) tindahan ng NFA rice sa syudad na matatagpuan sa Trade Center, Canlubang, Calamba Shopping Mall at maraming pang nasa paligid ng siyudad. Inaangkat daw ng mga rice trader ang mga binibentang bigas sa mga karatig bayan tulad ng Nueva Ecija, Bulacan at mga probinsya ng MIMAROPA. Mayroon din naman mga lokal na nag-aani ng palay tulad ng Calamba Rice Growers Multi-Purpose Cooperative na nagtitinda ng mas mababang halaga na bigas. Umaabot sa ngayon ang halaga sa Php 1,800.oo bawat sako ng bigas, ngunit Php 1,550.oo lang diumano ang halaga sa CRGMPC.
Napag-alaman pa ng SULONG na mayrong 805.26 ektarya ang irrigated rice land at 76.8 ektarya ang upland na taniman ng palay at mayron pang 1,600 ektaryang taniman ng mais at mga gulay ang Calamba.
Magbubuo diumano ang syudad ng TASK Force para sa bigas at humihiling ang tanggapan ng City Agriculture na magkaroon ng mga NFA Rolling Stores sa siyudad. (JOJO BUSAYONG)

No comments:
Post a Comment