Image Hosted by ImageShack.us

May 8, 2008

CONTINUING LABOR & EMPLOYMENT EDUCATION PROGRAM (CLEEP) AT PRODUCTIVITY OLYMPICS PINASIMULAN

CALAMBA CITY - Ginanap kamakailan ang Continuing Labor & Employment Education Program (CLEEP) at ang Productivity Olympics 2008 sa Splash Mountain Conference Hall, Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna. Ang nasabing programa ay sa pagsisikap ng DOLE R-IVA, National Wages and Productivity Commission Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region IV-A, at ng Regional Tripartite Industrial Peace Council ng CALABARZON.
Dumalo sa nasabing programa sina USec. Romeo C. Lagman ng DOLE - Labor Relations Cluster; USec. Lourdes M. Trasmonte ng DOLE - ExeCom-CLEEP; Ricardo S. Martinez, Jr., Regional Director ng DOLE R-IVA; Ciriaco A. Lagunzad III, Exec. Director ng NWPC, Eduardo R. Nicolas, Vice-Chairman for Management ng Toyota Motors Phils., Corp.; at tumayong representante ni Kgg. Teresita S. Lazaro, Gubernadora ng Laguna ay si Junji Guidote.
Naroon din ang mga representante mula sa iba’t-ibang kumpanya, ilang government offices tulad ng PESO na kung saan naroon ang National President ng PESO Philippines na si Peter Capitan, PESO Manager ng Calamba City, at ilan pang mga concerned sectors.
Tinalakay doon ang kahalagahan ng CLEEP para sa lalong mas mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkaka-unawaan at pagtutulungan sa pagitan ng Employer-Management-Labor. Tinalakay din ang mga programa at mga pag-aaral na gaganapin sa darating na mga buwan. Ang mga minamataang makikinabang sa nasabing mga pag-aaral ay ang mga nasa Management Group, Labor Group, Employers, mga magiging empleyado, at mga bagong graduates.
Pinasimulan din ang Productivity olympics kung saan ang bawat industriya ay magkakaroon ng partisipasyon na lumahok sa iba’t-ibang mga kategorya. Sila din pumili ng mga katangi-tanging industriya na papasa ayon sa nakasaad sa criteria ng nasabing olympics. Layunin ng nasabing olympics ay mas lalong mapalawak ang kamalayan sa kahalagahan ng pagpapahusay sa Global Competitiveness, pasiglahin ang kompetisyon ng bawat industriya, at ipakita at kilalanin ang husay ng manggagawa at ng kagalingan ng kanilang industriya.
Bago matapos ang nasabing programa, nagkaroon ng Signing of Multi-Sectoral Declaration of Commitment and Support for Continuous Learning and Actualization Towards Higher Productivity and Competitiveness. Na sinundan naman ng pagtalakay sa R.A. 9184. (JO BUSAYONG/ARJAY SALGADO)

No comments: