Image Hosted by ImageShack.us

May 8, 2008

PAGBAKLAS SA MGA ILLEGAL FISHPEN PINAYAGAN NA NG CA

AP - Pinayagan na ng Court of Appeals (CA) ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na baklasin ang lahat ng illegal fishpens sa lawa ng Laguna, kasama na rin dito ang mga fishpens ng mga operators na hindi nakapagbabayad ng upa.
Iniangat na ng CA ang preliminary injunction na iginawad ng Manila Regional Trial Court habang inaasikaso nito ang apila ng Federation of Fishpens and Fishcages Operators Association of Laguna de Bay Inc. na kinukuwestiyon ang P6,000.00 per-hectare annual rent na sinisingil sa kanila ng LLDA dahil diumano’y walang naganap na hearing at approval mula kay Pres. Gloria M. Arroyo.
Ayon sa pederasyon, umabot sa higit kumulang P750 million upang maipatayo ang mga nasabing fishpens, at hiniling na pansamantalang itigil ang anumang paniningil ng upa mula sa LLDA habang binabawi pa ng mga miyembro nito ang naging kalugihan sa pagkasira ng kanilang mga fishpens dulot ng mga bagyong Reming at Milenyo.
Sa desisyon noong Marso 28, taong kasalukuyan na pumapabor sa LLDA, ani ng CA, nabigong magpakita ang pederasyon ng katibayan na sila’y nararapat katigan sa kanilang petisyon at sinabi pa ng CA na ang mga miyembro nito ay nagbabayad noon pa man ng mga pagtaas sa upa kahit walang kapahintulutan at pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo. "The President’s prior approval is not always needed in the first place," dagdag pa ng CA it added.
Ang Executive Order No. 927, kung saan nakasaad ang kapangyarihan at katungkulan ng LLDA, ay pinahihintulutan ang nasabing ahensiya upang magpataw at maningil ng upa sa pag-gamit ng lawa. "Consequently, there is nothing more to hinder LLDA from declaring illegal, and from demolishing, the fishpens/fishcages of the delinquent operators of Laguna de Bay," ani ng CA.
Dinagdag pa ng CA na walang nakasaad sa probisyon na kinakailangan pa ng LLDA na dumaan sa hearing and anumang pagtataas sa pa-upa. (ARJAY SALGADO)

No comments: