Image Hosted by ImageShack.us

May 27, 2008

SR. BOARD MEMBER ATTY. KAREN AGAPAY GANAP NANG ABOGADO

STA CRUZ, LAGUNA – Ganap nang abogado si Senior Board Member Katherine “Karen” Cartabio Agapay ng Ikatlong Distrito ng Laguna matapos itong payagang makapanumpa sa April 29, 2008 Mass Oathtaking ng mga pumasa sa 2007 Bar Exams. Ito ay sa pamamagitan ng isang En Banc resolusyon ng Korte Suprema na may petsang April 22, 2008 kung saan binigyan pansin ang Bar Matter No. 1880 na rekomendado naman ng Office of the Bar Confidant. Sa pagpirma niyang ito ay kabilang na siya sa Roll of Attorneys ng Pilipinas mula May 5, 2008.
Bagamat pumasa si Agapay sa naturang Bar Exams, pansamantalang ipinagpaliban ng Office of the Bar Confidant ang kanyang panunumpa at pagpirma sa Roll of Attorneys dahil sa inihaing kaso noong January 5, 2005 sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon nina Artemio C. Banzuela, Jr. at Ireneo D. Maranan. Kinasuhan si Agapay na noon ay Konsehal pa lamang ng Lungsod ng San Pablo kasama sina City Mayor Vicente Amante, Vice Mayor Lauro Vidal, pitong konsehal, at apat na Department Heads ng Pamahalaang Panglunsod hinggil sa kaugnayan nila sa pagbili ng lupa kung saan nakatayo ang kasalukuyang San Pablo Science High School. Nangyari ang nabanggit bago pa man kumuha si Agapay ng Bar Exams noong September 2005.
Sa isang Joint Resolution na may petsang September 8, 2006 bagama’t napagtibay lamang noong November 13, 2007, pinawalang-bisa (dismissed) o ibinasura ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon ang naturang kaso. Nabigyan naman si Agapay ng Clearance noong February 13, 2008 na nagtulak sa kanya upang naghain naman ng Petisyon sa Korte Suprema noong February 22, 2008 (Bar Matter No. 1880).
Nang tanungin si Atty. Karen Agapay hinggil sa dalawang (2) taon na pagkaantala ng kanyang panunumpa, ngumiti lamang siya at sinabing “Sadyang ganoon. The law may be harsh, but it is still the law. Ang importante, hindi naging hadlang ito upang patuloy akong tumulong sa mga tao. Sa panahon ng kagipitan, doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan.” (Laguna Provincial PIO)

No comments: