Image Hosted by ImageShack.us

May 27, 2008

SR. BOARD MEMBER ATTY. KAREN AGAPAY GANAP NANG ABOGADO

STA CRUZ, LAGUNA – Ganap nang abogado si Senior Board Member Katherine “Karen” Cartabio Agapay ng Ikatlong Distrito ng Laguna matapos itong payagang makapanumpa sa April 29, 2008 Mass Oathtaking ng mga pumasa sa 2007 Bar Exams. Ito ay sa pamamagitan ng isang En Banc resolusyon ng Korte Suprema na may petsang April 22, 2008 kung saan binigyan pansin ang Bar Matter No. 1880 na rekomendado naman ng Office of the Bar Confidant. Sa pagpirma niyang ito ay kabilang na siya sa Roll of Attorneys ng Pilipinas mula May 5, 2008.
Bagamat pumasa si Agapay sa naturang Bar Exams, pansamantalang ipinagpaliban ng Office of the Bar Confidant ang kanyang panunumpa at pagpirma sa Roll of Attorneys dahil sa inihaing kaso noong January 5, 2005 sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon nina Artemio C. Banzuela, Jr. at Ireneo D. Maranan. Kinasuhan si Agapay na noon ay Konsehal pa lamang ng Lungsod ng San Pablo kasama sina City Mayor Vicente Amante, Vice Mayor Lauro Vidal, pitong konsehal, at apat na Department Heads ng Pamahalaang Panglunsod hinggil sa kaugnayan nila sa pagbili ng lupa kung saan nakatayo ang kasalukuyang San Pablo Science High School. Nangyari ang nabanggit bago pa man kumuha si Agapay ng Bar Exams noong September 2005.
Sa isang Joint Resolution na may petsang September 8, 2006 bagama’t napagtibay lamang noong November 13, 2007, pinawalang-bisa (dismissed) o ibinasura ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon ang naturang kaso. Nabigyan naman si Agapay ng Clearance noong February 13, 2008 na nagtulak sa kanya upang naghain naman ng Petisyon sa Korte Suprema noong February 22, 2008 (Bar Matter No. 1880).
Nang tanungin si Atty. Karen Agapay hinggil sa dalawang (2) taon na pagkaantala ng kanyang panunumpa, ngumiti lamang siya at sinabing “Sadyang ganoon. The law may be harsh, but it is still the law. Ang importante, hindi naging hadlang ito upang patuloy akong tumulong sa mga tao. Sa panahon ng kagipitan, doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan.” (Laguna Provincial PIO)

May 8, 2008

PAGSANJAN ACADEMY CLASS ‘58 NAGDAOS NG GOLDEN JUBILEE

PAGSANJAN - Nagdaos ng ika 50 Anibersaryo ang Pagsanjan Academy Class 58 noong ika 12 ng Abril 2008 sa Francisco Benitez Memorial School sa bayang ito sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Rafael Lava.
Maayos at masiglang naidaos ang nasabing okasyon dahil sa masisipag na mga miyembro ng working committees at mga kaklase ng class 58.
Nagsimula ang parada buhat sa Pagsanjan Academy sa ganap na ikawalo ng umaga, umikot sa bayan at nagtuloy at nagtuloy sa inner covered
court ng FBMS kung saan sumunod na ang kamustahan, kuwentuhan at mga palaro hanggang tanghalian. Pagkatapos ng masaganang pagsalo-salo ay nagsimula ang ikalawang bahagi ng programa hanggang hapon.
Dahil sa kapit-bisig na pagtataguyod ng mga magka-kaklase ay meron pa silang natirang pondo na pinagkasunduan na ibabahagi sa mga mahihirap sa iba’t ibang barangay ng Pagsanjan, na tinatawag na tourists capital ng Laguna dahil sa bantog na Pagsanjan Falls na maabot lamang sa pamamagitan ng banca na maglalakbay sa pagsalunga sa agos ng bantog na talon.

Ang working committees ng 50th Anniversary Reunion ay ang mga sumusunod:
Overall Chairman: Rafael C. Lava

Committee on Finance
Chairman: Susie Gallardo Sanchez
Members:
Jaime Rabi,
Ramon Lava Jr.
Committee on Food and
Accommodation
:
Chairman: Guia Villanueva Tinampay
Members:
Nora Zaguirre Subang,
Fortunato Espera,
Gervacio Lavarez,
Zorayda Velasco Diaz,
Zosimo Cabreza
Committee on Invitation and Program:
Chairman: Carolina Villanueva
Members:
Antonio Gomez,
Corazon Liwagon Olazo,
Rosalina Pailan Ranes,
Celia Velasco Estrosa,
Carmencita Payumo Maceda,
Leticia Cabrega Domondon.
(ULAT NI: ED SACOPLA)

PGMA TOLD RP ON WAY TO RICE SELF-SUFFICIENCY

LOS BAÑOS – President Gloria Macapagal-Arroyo was assured here today that the Philippines is well on the way to regaining self-sufficiency in rice.
The assurance was made by Agriculture Secretary Arthur Yap and Dr. Robert Ziegler, director general of the International Rice Research Institute (IRRI), during her visit to the IRRI to witness the signing of a memorandum of agreement between the Department of Agriculture (DA) and IRRI entitled "Accelerating Rice Production in the Philippines" at the University of the Philippines (UP) here.
Yap pointed out that Filipino farmers produce more rice per hectare than their Thai counterparts. Thailand is the world’s biggest exporter of the cereal. He pointed out that the world is experiencing decreasing rice inventory due to raising global demand, climate change and reduced spending on research and infrastructure.
"The UN-FAO (United Nations-Food and Agricultural Organization) has listed 36 countries, Madame Presi-dent, this year that will need assistance for being food insecure. Nine in Asia alone but the Philippines, being able to produce about 90 percent of our rice needs, is not on, this list," Yap said.
For a time in the early 1970s, the Philippines was self-sufficient in the staple food. Under the agreement, the DA and IRRI will undertake joint efforts to increase rice production in the Philippines starting this wet planting season by developing new high-yielding varieties and hybrids.
The two agencies will also assess and increase the output of the current rice growing areas, as well develop new areas using geographic information system, remote sensing, crop and climate modeling and other modern farming techniques.
Zeigler noted that despite the present high yield of palay per hectare in the Philippines, many Filipino farm scientists are working on new farming methods and technologies to further increase production of the cereal.
"The much higher yield that the Philippines had com-pared to the yields of the world’s largest exporter, Thailand, is testament to the ingenuity, hard work and effectiveness of the Department of Agriculture’s performance," Ziegler said.
Despite geographical and natural challenges such as typhoons and lack of river deltas, the IRRI said Filipino farmers generally use less pesticides than other Southeast Asian rice farmers and are harvesting almost a ton per hectare, which is higher than the production of their Thai counterparts, he added.
Under the agreement, IRRI and the DA are targeting an average rice harvest of five tons per hectare, which would make Filipino farmers the most productive in Southeast Asia, ahead of Vietnam and Indonesia.
Before the signing ceremony, President Arroyo inspected new rice varieties at the IRRI experimental station and presented to three farmer representatives the one-page fertilizer management guide that would help farmers maximize the use of expensive fertilizers and at the same time produce higher yields. (DOLY LEDESMA-PIA)

DTI TO CARRY OUT TIGHT WATCH ON PRICES

The Department of Trade and Industry (DTI) is strictly monitoring the retail market, especially in the following weeks in order to forestall any unjustified increase in prices of basic commodities, particularly canned products.
This, as the Tin Can Makers Association of the Philippines, Inc. announced that 202 by 306-milimeter tin cans used for canned sardines and corned beef has gone up by P0.35-P0.40 per piece to a range of P3.35 to P3.40 this month.
Trade and Industry Secretary Peter B. Favila stated, "We assure the public that the Price Act will be strictly enforced during the course of our monitoring activities. We want to prevent unscrupulous retailers from raising their prices out of mere speculation so that the consumers do not have to pay more than what is due them."
DTI Undersecretary for Consumer Welfare Zenaida Cuison Maglaya added that aside from monitoring the price situation in the metropolis, the DTI has also mobilized market monitoring teams in other parts of the country as well through its regional and provincial offices, as well as tap the assistance of local government units to avert any undue increase in the price of goods.
Secretary Favila warned that retailers tend to jack up their prices higher than the projected levels and do so immediately in spite of having an existing inventory that should be sold at current values.
Only canned sardines manufacturers in Zamboanga has announced intentions to increase the price of their 155-gram products by P0.50 - P1 in the coming weeks due to rising tin plate prices in the world market. Imported tin plates comprise 70 percent of tin can production costs.
Tin can costs make up about 20-45 percent of the total retail price of canned goods, varied depending on the type of commodity.
DTI’s latest price report reveal that a 155-gram can of sardines costs between P10-11, while a 165-gram can of luncheon meat is sold at P23 to 26.
Meanwhile, Undersecretary Maglaya reminded consumers to practice wise buying to get the best value for their hard-earned peso. "One of the ways is to practice comparing prices. With so many brands to choose from with varying range of prices, the consumers can exercise their right to choose and buy one which suits their budget best."
She also urged the public to report complaints in price and/ or quality, NFA rice diversion, hoarding and profiteering activities to DTI Direct 751-3330 open from Monday to Friday from 8am to 5pm or call the nearest DTI Regional and Provincial offices. Complaint may also be sent by keying in DTI message and send to 2920 for both Globe and Smart subscribers. (CHARLIE S. DAJAO-DTI IVI-A Regional Office/ARJAY SALGADO)

DTS AT BRGY. PACIANO NAGPULONG

CALAMBA CITY - Nagpu-long kamakailan ang Dimple Towing Services (DTS) sa pagmamay-ari ni Alfredo Pujeda at ang Brgy. Paciano Rizal sa lungsod sa pamumuno ni Kgg. Angie Atienza hinggil sa legalidad ng operasyon ng nasabing towing service. Tumayo bilang taga-pamagitan sa nasabing usapin ang Editor-In-Chief ng SULONG Newspaper na si Arthur Landicho upang mabigyan ng linaw ang mga lumabas na isyu na diumano’y paghingi ng barangay sa DTS ng Sampung Libong Piso (Php 10,000.oo) kada linggo sa DTS at ilang mga bagay tungkol sa nasabing operasyon ng towing service pati ang pagpapatigil ng Permits & License Office ng City Hall sa DTS.
Lumabas sa isinagawang panayam ng SULONG na may natatanggap na mga balita si Atienza na diumano’y nanghihingi ang kanilang barangay sa DTS ng Sampung Libong Piso (Php 10,000.oo) linggo-linggo. "Wala akong alam diyan" ani Atienza, "kaya nga galit na galit ako dun sa taong nagsabi noon. Wala akong hinihinging pabor sa DTS." Sa pag-iimbistiga ng SULONG News Team at ni Atienza, lumabas na ang may-ari ng lupang kinalalagyan ng DTS na si Arthur Suero ang si-yang humihingi sa DTS ng pabor, kung kaya pinaimbitahan si Suero sa barangay upang magbigay ng linaw at paliwanag. "To be very very accurate," ani Suero, "walang kinalaman ang opisina ng barangay, at kahit si Kapitana, hindi alam na ako’y humingi ng tulong para man lang sa pang-kape at biscuit ng mga tanod." idinagdag pa niya na hindi sampung libong piso kada linggo ang kanyang inihinging tulong sa DTS kundi Php 5,000.oo kada buwan lamang. Dinagdaag pa ni Suero na Iminungkahi niya noon sa Operations Manager ng DTS na puwede namang hindi cash kundi Asukal, Kape, at Biscuit na lang ang ibigay sa mga Tanod. Aniya, ang kanyang ginawang tulong na lingid sa kaalaman ni Atienza ay para sa ikatatahimik ng kanilang lugar at bilang pakonsuwelo sa mga Tanod na gabi-gabing nagbabantay sa nasabing lugar.
Nauna dito, nagpahatid ang Permits and License Office ng City Hall sa pamumuno ni Bars Encarnacion ng Cease and Desist Order sa pamunuan ng DTS upang ipatigil ang operasyon ng nasabing towing service sa kahilingan na din ni Atienza. "Wala silang maipakitang papeles sa akin tulad ng Contract of Lease at ng Mayor’s Business Permit, kaya ko kinausap si Bars," ani Atienza, "ang akin lamang ay ipinatutupad ko ang batas."
Napag-alaman din ng SULONG na isa sa mga da-hilan kung bakit hindi mabigyan agad ng Brgy. Permit ang DTS ay dahil sa isang katerbang mga reklamo laban sa nasabing towing service ang natatanggap ng nasabing barangay. "Ginawa ko noon," paliwanag ni Atienza, "sumulat ako kay Engineer Uri, kay Dennis Lazaro, at kay Bokal Nocon." sinabi ni Atienza na binanggit niya sa liham ang ilang mga problemang nakararating sa kanilang tanggapan hinggil sa operasyon ng DTS, dahil nagtataka siya kung bakit madami ang nagrereklamong mga drivers at isinasang-kalan malimit ang ilang mga matataas na opisyal ng gub-yerno. "Pati tuloy pangalan ko, nakakaladkad." himutok ni Atienza.
Samantalng, hinggil sa mga permits ng DTS, ayon sa pamunuan ng nasabing towing service, meron silang existing na bagong MOA mula sa Kapitolyo ng Laguna dahil anila’y sila ang nanalo sa bidding na isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) at in-process naman ang City Licenses at iba pang kaukulang dokumentong hinihingi ng barangay. Isa sa mga dokumentong hinihingi ni Atienza ay ang Contract of Lease ng DTS sa may-ari ng lupang kinalalagyan ng kanilang mga sasakyan at opisina. Binigyan din ito ng linaw ni Suero na kung saan
ipinaliwanag nito na ang pag-papagamit niya ng walang bayad sa kanyang bakanteng lote para sa operasyon ng towing service. Ang kanilang kasunduan ng pamunuan ng DTS ay kung sakaling kailanganin na niya ang lupa ay walang pasubaling lilisanin ng nasabing towing service ang lugar. Kung kaya walang maipakitang Contract of Lease ang DTS.
Sa pamamagitan naman ng pag-mediate ni Landicho ng SULONG, nagkasundo si Atienza at Pujeda na aayusin ng DTS ang lahat ng kaukulang dokumento para mabigyan na ng Brgy. Permit at sisikapin ng pamunuan ng nasabing towing service na makatulong sa Brgy. Paciano Rizal sa anumang bagay tulad pagbibigay ng discount sa mga residente ng nasabing barangay kung sakaling magkakaroon ng problema kailanganin ang serbisyo ng DTS. (ARJAY SALGADO/ JO BUSAYONG)

CONTINUING LABOR & EMPLOYMENT EDUCATION PROGRAM (CLEEP) AT PRODUCTIVITY OLYMPICS PINASIMULAN

CALAMBA CITY - Ginanap kamakailan ang Continuing Labor & Employment Education Program (CLEEP) at ang Productivity Olympics 2008 sa Splash Mountain Conference Hall, Brgy. Lalakay, Los Banos, Laguna. Ang nasabing programa ay sa pagsisikap ng DOLE R-IVA, National Wages and Productivity Commission Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region IV-A, at ng Regional Tripartite Industrial Peace Council ng CALABARZON.
Dumalo sa nasabing programa sina USec. Romeo C. Lagman ng DOLE - Labor Relations Cluster; USec. Lourdes M. Trasmonte ng DOLE - ExeCom-CLEEP; Ricardo S. Martinez, Jr., Regional Director ng DOLE R-IVA; Ciriaco A. Lagunzad III, Exec. Director ng NWPC, Eduardo R. Nicolas, Vice-Chairman for Management ng Toyota Motors Phils., Corp.; at tumayong representante ni Kgg. Teresita S. Lazaro, Gubernadora ng Laguna ay si Junji Guidote.
Naroon din ang mga representante mula sa iba’t-ibang kumpanya, ilang government offices tulad ng PESO na kung saan naroon ang National President ng PESO Philippines na si Peter Capitan, PESO Manager ng Calamba City, at ilan pang mga concerned sectors.
Tinalakay doon ang kahalagahan ng CLEEP para sa lalong mas mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkaka-unawaan at pagtutulungan sa pagitan ng Employer-Management-Labor. Tinalakay din ang mga programa at mga pag-aaral na gaganapin sa darating na mga buwan. Ang mga minamataang makikinabang sa nasabing mga pag-aaral ay ang mga nasa Management Group, Labor Group, Employers, mga magiging empleyado, at mga bagong graduates.
Pinasimulan din ang Productivity olympics kung saan ang bawat industriya ay magkakaroon ng partisipasyon na lumahok sa iba’t-ibang mga kategorya. Sila din pumili ng mga katangi-tanging industriya na papasa ayon sa nakasaad sa criteria ng nasabing olympics. Layunin ng nasabing olympics ay mas lalong mapalawak ang kamalayan sa kahalagahan ng pagpapahusay sa Global Competitiveness, pasiglahin ang kompetisyon ng bawat industriya, at ipakita at kilalanin ang husay ng manggagawa at ng kagalingan ng kanilang industriya.
Bago matapos ang nasabing programa, nagkaroon ng Signing of Multi-Sectoral Declaration of Commitment and Support for Continuous Learning and Actualization Towards Higher Productivity and Competitiveness. Na sinundan naman ng pagtalakay sa R.A. 9184. (JO BUSAYONG/ARJAY SALGADO)

PAGBAKLAS SA MGA ILLEGAL FISHPEN PINAYAGAN NA NG CA

AP - Pinayagan na ng Court of Appeals (CA) ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na baklasin ang lahat ng illegal fishpens sa lawa ng Laguna, kasama na rin dito ang mga fishpens ng mga operators na hindi nakapagbabayad ng upa.
Iniangat na ng CA ang preliminary injunction na iginawad ng Manila Regional Trial Court habang inaasikaso nito ang apila ng Federation of Fishpens and Fishcages Operators Association of Laguna de Bay Inc. na kinukuwestiyon ang P6,000.00 per-hectare annual rent na sinisingil sa kanila ng LLDA dahil diumano’y walang naganap na hearing at approval mula kay Pres. Gloria M. Arroyo.
Ayon sa pederasyon, umabot sa higit kumulang P750 million upang maipatayo ang mga nasabing fishpens, at hiniling na pansamantalang itigil ang anumang paniningil ng upa mula sa LLDA habang binabawi pa ng mga miyembro nito ang naging kalugihan sa pagkasira ng kanilang mga fishpens dulot ng mga bagyong Reming at Milenyo.
Sa desisyon noong Marso 28, taong kasalukuyan na pumapabor sa LLDA, ani ng CA, nabigong magpakita ang pederasyon ng katibayan na sila’y nararapat katigan sa kanilang petisyon at sinabi pa ng CA na ang mga miyembro nito ay nagbabayad noon pa man ng mga pagtaas sa upa kahit walang kapahintulutan at pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo. "The President’s prior approval is not always needed in the first place," dagdag pa ng CA it added.
Ang Executive Order No. 927, kung saan nakasaad ang kapangyarihan at katungkulan ng LLDA, ay pinahihintulutan ang nasabing ahensiya upang magpataw at maningil ng upa sa pag-gamit ng lawa. "Consequently, there is nothing more to hinder LLDA from declaring illegal, and from demolishing, the fishpens/fishcages of the delinquent operators of Laguna de Bay," ani ng CA.
Dinagdag pa ng CA na walang nakasaad sa probisyon na kinakailangan pa ng LLDA na dumaan sa hearing and anumang pagtataas sa pa-upa. (ARJAY SALGADO)

SAPAT ANG BIGAS NG LUNGSOD

CALAMBA CITY - "Sapat ang supply ng bigas ng siyudad." Ito ang sinabi ni Aurea Alcasabas, Officer–in-Charge ng City Agriculture Department. Sa panayam ng isinagawa ng SULONG, nabanggit ni Alcasabas na sinabihan niya si Mayor Joaquin Chipeco Jr. na "Di ako nangangamba na magugutom tayo dahil sapat ang ating suplay ng pagkain." ani Alcabasa.
Ipinahayag pa ni Alcasabas ang kanyang pananalig sa Maylikha nang banggitin niya ng isang talata sa bibliya na mababasa sa Joel 2:26 "You will have plenty to eat , until you are full, and you will praise the name of the Lord your God who works wonders for you…" Ito ang pinaniniwalaan ni Alcasabas na mangyayari sa mga Calambeño na nananalig sa Diyos. Napag-alaman pa ng SULONG na ang Calamba ay may stock ng bigas na umaabot sa 9,178 metric tons o 183,000 cavans, sapat sa dalawang buwang konsumo ng 409,248 populasyon nito. Lumalabas na may .3 kilong konsumo ng bigas ang isang tao bawat araw.
Sa ngayon ay nanatili sa Php 18.25 ang presyo ng NFA rice mababa di hamak sa commercial rice na umaabot sa 30 hanggang 40 pesos bawat kilo. May labing-limang (15) tindahan ng NFA rice sa syudad na matatagpuan sa Trade Center, Canlubang, Calamba Shopping Mall at maraming pang nasa paligid ng siyudad. Inaangkat daw ng mga rice trader ang mga binibentang bigas sa mga karatig bayan tulad ng Nueva Ecija, Bulacan at mga probinsya ng MIMAROPA. Mayroon din naman mga lokal na nag-aani ng palay tulad ng Calamba Rice Growers Multi-Purpose Cooperative na nagtitinda ng mas mababang halaga na bigas. Umaabot sa ngayon ang halaga sa Php 1,800.oo bawat sako ng bigas, ngunit Php 1,550.oo lang diumano ang halaga sa CRGMPC.
Napag-alaman pa ng SULONG na mayrong 805.26 ektarya ang irrigated rice land at 76.8 ektarya ang upland na taniman ng palay at mayron pang 1,600 ektaryang taniman ng mais at mga gulay ang Calamba.
Magbubuo diumano ang syudad ng TASK Force para sa bigas at humihiling ang tanggapan ng City Agriculture na magkaroon ng mga NFA Rolling Stores sa siyudad. (JOJO BUSAYONG)

BUS OPERATORS NAGPAHAYAG NG SENTIMIENTO SA LTMO

CALAMBA CITY - Naglabas ng kanilang mga sentimiento ang Bus Operators sa Laguna dahil sa hindi sistematiko at maayos na pagkakalagay ng ilang mga signages pang-trapiko tulad ng No Parking, Towing Zone Area, at No Unloading/Loading Signs sa mga national roads at highways. Inireklamo din nila ang mabilis at walang pasabing panghihila ng Dimple Towing Services (DTS) sa kanilang mga sasakyan. Ang nasabing pag-papahayag ng kanilang mga reklamo ay isinabay sa ginanap na LTMO-Bus Operators Forum kamakailan sa RSM Restaurant sa siyudad na ito.
Ayon sa pamunuan ng Laguna Traffic Management Office (LTMO), may ipinapatupad batas trapiko sa lalawigan na kapag lumagpas ng 15 minuto ang sasakyan na nakatigil sa anumang designated towing area, may hurisdiksiyon at kapangyarihan ang DTS na agad itong hilahin at dalhin sa impounding area. Idinagdag pa ng mga Bus Operators na sobra kung maningil ang DTS. Sinangayunan naman ni P/CInsp. Nestor dela Cueva, Hepe ng Calamba PNP Station ang mga nasabing hinaing at binanggit na madami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa nasabing taas ng singil sa panghihila. Ayon naman kay P/Supt. Fausto Manzanilla, siya mismo ay naging biktima ng over-pricing ng Dimple Towing. Aniya, nasiraan diumano ang kanyang sasakyan at nag-offer ang mga tauhan ng Dimple na siya’y tulungan. Matapos siyang tulungan at hinila ito sa impounding area ay siningil siya ng Php 4,000.oo.
Dinipensahan naman ni Eng’r Maximo Uri, Chief for Administration ng LTMO ang nasabing reklamo hinggil sa DTS, aniya nasa regulasyon ng DTS at aprubado ito ng Kapitolyo ang nasabing paniningil sa paghila ng mga sasakyang nakahimpil sa mga ipinagbabawal na lugar. Aniya, pinaiiral ngayon ang Php 800.oo minimum at maximum na Php 3,000.oo na multa para sa mga light vehicles. At mas mahal sa heavy vehicle. Idinagdag pa ni Uri, na kung mayroon man mga reklamo hinggil sa panghihila sa mga sasakyan ay agad na ipagbigay alam sa kanya. Ngunit sa pagka-kataon na iyon sa pagpupulong agad na ipinaalala ni dela Cueva kay Uri na matagal na sila nagpadala ng mga liham at pagsumite ng mga reklamo sa tanggapan ng LTMO at sa katunayan aniya (dela Cueva) ay napagpulungan na nila at ng Kapitolyo ang nasabing mga reklamo. Ani ni dela Cueva, dapat ay ginagampanan ni Uri ang kaniyang tungkulin na iregulate at ipaalala sa DTS ang mga guidelines sa panghihila sa mga sasakyan.
Samantalang pinagpulungan din ang mga suliranin sa trapiko particular na sa Una at Ikalawang Distrito ng Laguna. Tinala-kay ni P/Supt. Rogelio Lego, Chief for Operations ng LTMO mga bottle-neck areas tulad ng Brgy. Turbina, Intersection sa Brgy. Halang, Lianas sa Brgy. Parian, Checkpoint sa Brgy. Paciano Rizal, Walter-mart sa Brgy. Real sa siyudad na ito. Junction sa Los Baños, Brgy. Mamatid Highway, Brgy. Pulo sa Cabuyao, Golden City sa Sta. Rosa City, Stoplight sa Biñan at sa Pacita Complex sa San Pedro.
Ayon kay Lego, may mga nakatalagang PNP Personnels at mga Traffic Enforcers ng LTMO sa mga nasabing area. At sinisikap ng kanilang mga Enforcers na hanap at pag-aralan ang iba pang mga bagay na maaaring makatulong o makabawas sa problema sa trapiko. Pinayuhan din niya ang mga Bus Operators na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pag-galang sa mga traffic laws na umiiral sa mga langsangang pang-nasyunal upang maka-iwas sa aberya at madamay ang ibang mga bumibiyaheng sasakyan. (JOJO BUSAYONG)