Image Hosted by ImageShack.us

April 4, 2008

OPISYALES NG SAMAHAN NG MGA "SEASONED CITIZENS" NAGPULONG

CALAMBA CITY - Pinulong ng Office of Senior Citizen Association (OSCA) Head na si Dr. Rodolfo Yu at Kgg. Ruth Hernandez, City Councilor at Chair ng Committee on Senior Citizens o "Seasoned Citizens" ang ilang pangulo ng mga Chapters ng samahan ng nakatatanda ng iba’t ibang barangay na nabibilang sa minorya ng mas malaking bahagi sa pamumuno ni G. Josefino B. Melgar, Sr. noong ika-4 ng Abril, taong kasalukuyan sa City Hall. Paksa sa nasabing pagpupulong ay tungkol sa honorarya o lalong dapat tawagin na insentibo o biyaya para sa kanila.
Subali’t, simula pa lamang ng pagpupulong ay malinaw na pinupuna ang pagkakahalal ng pamunuan ng Calamba City Federation of Senior Citizens Asso., Inc. (CALCIFESCA) sa pamumuno ni Josefino B. Melgar, Sr. si Hernandez at Yu at ipinahayag ang pangangailangan ng bagong eleksyon para mapagisa ang CALCIFESCA at ilang “factions” umiiral kabilang din iyong direktang nakikipagugnayan sa OSCA Head katulad ng Chapter ng Mayapa sa pamumuno ni Benjamin Aldaba. Aniya'y sa pamamagitan nito mabibigyan daan ang pagtatatag ng Council of Elders at ang mamumuno ay OSCA Head ang at pangalawang pangulo ay ang pangulo ng pederasyon.
Lumilitaw sa pagpupulong na nakakaligtaan ang tunay na katayuan ng samahan ng Senior Citizens ay isang non-government organization (NGO) na umiiral sa demokratikong ideyolohiya na kumikilala sa kapangyarihan ng nakararami at binibigyang pagkakataon ang minorya sa pagpuna at pakikilahok sa talakayan at palitan ng kuro-kuro.
Si Enrique Pons, nahalal na pangalawang pangulo, sa pagtatanggol sa samahan ay nagsalaysay na ang eleksyon ay naganap at pinagkasunduan ng iba’t-ibang “factions” na ang napiling Pangulo ay si Melgar sa paraan viva voce o taasan ng mga kamay at hindi secret balloting. Ang panawagan para sa muling eleksyon ay pinanukala ni Hernandez at Yu.
Samantalang dumalo din si Atty. Fernando Alonzo, City Legal Officer at sinumulan ang pagtalakay tungkol sa honorarya para sa mga opisyales at ipinaliwanag ang legalidad nito at pangagailangan ng pagsasaayos nito ng naayon sa batas. Ani ng isang kasapi ng samahan "mabuti at karapatdapat pagusapan ang mga biyaya ng mga opisyales pero paano ang mga miyembro" habang kapulong ang SULONG News Team, "ano naman ang para sa kanila. Dapat ang lahat na kasapi ay may bahagi din sapagka’t dito lamang mapagtatanto na mahal sila ng mga taong nasa pamahalaan." dagdag nito. Sa kabilang dako, binanggit naman ni Hernandez kung ano ang magagawa ng samahan para sa paamayanan. (ED SACOPLA)

No comments: