Image Hosted by ImageShack.us

April 6, 2008

LWUA AT CWD IPINAKITANG SAFE INUMIN ANG TUBIG

CALAMBA CITY - Matapos ang isinagawang pagpupulong ng mga matataas na opisyales sa pagitan ng Local Water and Utilities Administration (LWUA) at ng Calamba Water District (CWD) na isinagawa sa tanggapan ng huli, ipinakita sa harap ng media ng pamunuan ng dalawang ahensiya na malinis at ligtas inumin ang tubig mula sa CWD. Ang nasabing pagpupulong at pagharap sa media ay naganap noong Abril 1, taong kasalukuyan.
Hiniling ng Chairman ng LWUA na si Proceso T. Domingo na dapat ipaalam ng CWD at ng Lokal Officials ng siyudad na ito sa publiko na ligtas at milinis ang nasabing tubig na sinu-supply ng una.
Ayon kay Engr. Alberto Cervancia, GM ng CWD, magkakaroon sila ng long-term plans para sa mas epektibo at mas malinis na pag-supply ng tubig sa buong siyudad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga deep well sourcing o ang pagkuha ng tubig mula sa ilalim ng lupa na may lalim na 500 feet o mahigit. Aniya, ito’y upang mas masiguro ng kanilang tanggapan na hindi kontaminado ang tubig na pagkukunan nila. Ayon naman kay Atty. Emilio Capulong, isa sa mga Board of Directors ng CWD, patuloy pa din nagsasagawa ng testing at monitoring ang CWD sa isinu-supply na tubig.
Dinagdag pa niya, kung mayroon man reklamo laban sa CWD, dapat magkaroon muna ng matibay na batayan at ebidensiya.
Nagpahayag naman ang ilan sa mga opisyales ng LWUA na dapat ipakita din ng mga local officials ng siyudad na ito na nirerespeto nila ang resultang ipinalabas ng DOST sa isinagawang pagsusuri sa tubig kamakailan. Anila’y hindi puwedeng matapos mag-anunsyo ng outbreak noong isang buwan ay tahimik naman ngayon dahil tapos na ang epidemya at napatunayang hindi sa CWD nagmula ang nasabing bacteria. Uminom din sila ng tubig namin." ani ng isang opisyal. (SULONG NEWS TEAM)

No comments: